fbpx

PANDARAYA SA HALALAN PILIPINAS

Halaw sa artikulo ni Cherry Ann T. Lim, “Cheating in the elections: Let me count the ways” (https://www.sunstar.com.ph/article/72952/Business/Cheating-in-the-elections-Let me-count-the-ways on May 7, 2016)
 

HALALAN MANWAL

Noong nakaraang panahon ang pagbilang ng mga boto ay ginagawang manwal: binibilang isa-isa mula sa pangalang nakasulat sa balota.  Ang kandidatong nais na manalo ay nandaraya sa iba’t-ibang paraan: (1) bumibili ng boto, (2) pinagpapalit ang mga kahon ng balota sa kahong may pekeng balota, (3) binabayaran ang mga guro na basahin [mula sa balota] ang ibang pangalan sa oras ng pagbibilang.
 

HALALANG AUTOMATIKO

Inumpisahang gamitin ang mga PCOS (Precinct Count Optical Scan) machines noong 2010 mula sa pagpasok ng mga balota, pagbilang ng mga ito, at pagpapadala ng resulta sa Centro ng Comelec na nag-uugnay-ugnay nito mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. 

Ang PCOS machines ang bumibilang ng boto buhat sa pangalan ng kandidatong nasa balotang minarkahan ng itim [shaded by black].  Ang VCMs (Vote Counting Machines) ang humalili sa pagkuha ng suma-total ng bawat kandidato mula sa precinto at ito’y ipinapadala sa pangkalahatang Centro para maitala ang kabuuang boto ng kandidato.  Bagamat ito’y mga makina, hindi pa rin nakatitiyak na walang maaaring dayaang magaganap.

Ginamitan ng mga pamamaraan upang mahangganan ang pandaraya sa pamamagitan: (1) digital signatures ng BEIs (Board of Election Inspectors) sa pagsumite ng resulta ng balota; (2) ultra-violet security marks sa balota para maiwasan ang pekeng balota na mabasa; (3) imprenta ng voter receipts upang matiyak na ang balota ay tumpak na nabasa ng machine.
 

PARAAN NG PANDARAYA

  1. Maling Machines -- Maaaring hindi makaboto ang isang tao kung nagkamali nang pagpapadala ng machines sa itinalagang precinto. 
     
  2. Nahintong Daloy ng Pagboto --Ang balota ay nakaugnay sa isang tukoy na VCM para sa isang precinto. Sa isang pagkakamali o antala ng paghahatid ng VCM, maaaring mahinto ang daloy ng pagboto sa isang precinto.
     
  3. Balotang Depektibo --Maaari ring maantala ang daloy, o kaya’y hindi makaboto ang botante, kung ang balota ay depekto (“pre-shaded with invisible ink”).  Kung itutuloy ang botohan, maaaring manalo ang mga pangalan ng kandidatong may “pre-shaded ink”.  Paano ito maaaring mangyari?  Isa lamang ang pwedeng panggalingan – Comelec ang nag-imprenta ng mga balota; o kaya’y ang mga kasabwat ng kandidatong ibig na mandaya para magwagi sa eleksiyon.
     
  4. Markadong Balota – Ang mga balota ay may “bar code” para mabasa ng VCM.  Kung mayroong iba-ibang marka ang balota (merong tinta o ibang marka, nakatupi, atbp), ito’y hindi na pwedeng gamitin. Ang botante ay hindi makaboboto at kailangang maghintay para makakuhang muli nang bago at malinis na balota; nguni’t kung minsan ay huli na at wala nang pagkakataong makaboto pa.
     
  5. Memory Card or SD CARD (Secure Digital Card) [compact flash or CD card noong 2013 eleksiyon] - ito’y may programa kung paano patakbuhin ang machine at basahin ang balota. Kung ito’y “tampered,” maaari itong magbigay ng maling resulta. 
     
  6. Paghahatid ng Resulta – Ang pandaraya ay maaaring mangyari sa umpisa pa lamang:  Pre-loading, bilangan, pagpapalit ng SD card, paghahatid ng resulta mula sa precinto patungong Centro (“weak signals,” BEIs walang kaalaman sa BGAN (Broadband Global Area Network). Kapag hindi napadala sa BGAN, ang mga guro ay magbibilang na lamang nang manwal.
     
  7. Hacker – 4 na uri ng pandaraya: (1) “Sniffing” – hinaharang ang resulta ngunit hindi niya pinapalitan; gusto lamang niyang makita ang resulta bago ito ipahatid (transmit);  (2)  “Man in the middle” – ang hacker ay nasa gitna, tumatanggap ng impormasyon mula sa machine, pinapalitan ito, at ipinapadala sa “receiver”;  (3) “Denial of Service” – hindi maipadala ang tunay na resulta dahil sa kunwaring “weak signal,” ngunit ang hacker ay pinapalitan ang SD card; (4) “Rogue Machine” – inuunahan ang pagpapadala ng resulta, kung kaya’t ang tunay na resulta’y ayaw nang tanggapin ng server sa Centro.  
     
  8. Teoria o Haka-haka – Mahirap patunayan ang mga pandaraya mula sa paggamit ng electoral machines.  Kung may protesta, ito ay nabibigyang solusyon sa pamamagitan nang manwal na pagbibilang ng balota. 
     
  9. Lumang Paraan – Ang lumang pamamaraan ng pandaraya ay laganap pa rin – pamimili ng boto, pananakot, terorismo, 
     
  10. Pagbili ng boto – gawain ng local na opisyales sa pamamagitan ng “herding” o pagkukumpol ng mga botante.
     
  11. Quota – tumatanggap ng budget mula sa kandidato at ibinibigay sa mga botante nang buo o “installment” (“downpayment” bago bumoto; “balance” pagkatapos ng eleksiyon).
     
  12. Sample Ballot na may pangalan nang dapat ibotong kandidato; may kalakip na pera sa sobre – ang mga pulis ay itinatalaga sa mga lugar na talamak ang pamimili ng boto, ngunit wala naman silang inaaresto.
     
  13. Botong Negatibo – binabayaran para huwag bumoto (Php5 k – Php10k kada household).  
     
  14. Poll-Watchers – binabayaran o binibigyan ng “allowance” para magbantay sa boto ng kanilang kandidato.
     

IWASAN ANG PANDARAYA

  1. Turuan ang mga botante at bantay-halalan (poll-watchers); gawain ng mg NGOs at Pastoral Council.      
  2. Botante – maging mapagmasid (vigilant).

 

(Mula sa Lathala ng Obispado Maximo; isinalin sa wikang Pilipino ni Padi Vicky Esguerra.)

 


 

Pin It

●●●●●