fbpx

GABAY PARA SA IFI BOTONG MAY DANGAL

GABAY PARA SA IFI BOTONG MAY DANGAL

  1. Mag-aral: Ilunsad ang kampanyang pag-aaral para sa pagboto.
    1. Magkaroon ng mga pag-aaral na ginagamit ang mga materiales na ipinagkaloob ng IFI na bunga ng Konsultasiyon noong Nobyembre 8-9, 2022. Tiyakin na ang mga kandidatong lokal at national ay daraan sa pagsusuri ayon sa alituntunin o gabay na napapaloob sa mga dokumento at Pastoral Letter ng IFI.
       
    2. Palakasin ang Komite ng Pag-aaral (Education Committee) ng diyosesis/parokya/ misyon bilang mga taga-pagturo tungkol sa halalan.
       
    3. Pakilusin ang mga itinalagang organisasyon na sumali sa kampanyang panghalalan sa bawat parokya at misyon.
       
    4. Ang Komite para sa Concordat, Ecumenical, at Inter-Faith ang mangungunang makipag-ugnayang ipaabot tungkol sa gawaing ito sa mga kalapit simbahan at ibang kapanalig na makilahok sa kaganapang ito.
       
    5. Ang Diyosesis ang lilikha ng Komite ng Dokumentaryo upang magtala ng mga katiwalian, karahasang kaugnay sa halalan, at iba pang paglabag sa karapatang pangtao.
       
  2. Sumamba: Isang araw bago maghalalan, imbitahin ang mga kandidato para dumalo sa isang liturhiyang pagsamba upang ipagtibay ang kanilang pangako na matupad ang IFI Botong May Dangal.
    1. Bumoto: Sa araw ng halalan, lumabas, bumoto at pangalagaan ang sagradong boto.
       
    2. Tutukan at suriin ang nakaraang rekord ng mga kandidato, at huwag umasa sa mga resulta ng “surveys”. 
       
    3. Himukin ang mga tao na bumoto nang maaga.
       
    4. Tiyakin na ang mga botante ay hindi magbagong isip at tututulan ang pagboto.
       
    5. Ibunyag ang mga pamimili ng boto at iba’t-ibang uri ng panlilinlang.
       
    6. Isumbong ang mga tiwaling gawain at anupang kaharasang kaugnay sa halalan.
       
  3. Magbantay: Maglingkod bilang bantay-halalan.
    1. Pakilusin ang mga botante at taga-pagturo sa halalan na kusang-loob na maglingkod bilang bantay sa halalan.
       
    2. Ang gawaing bantay-halalan ng IFI ay naka-kapitbisig sa grupo ng “Kontra Daya.”
       
    3. Ang mga naitalang pandaraya na kaugnay sa eleksiyon ay isusumite sa National Kontra Daya at sa IFI National Monitoring Center.
       
    4. Ang mga botante ng IFI ay dapat handang kumilos at sumali sa kilos protestang pangmasa kung ang halalan ay hindi malinis at hindi kapani-paniwala.
       
  4. Panagutin -- ang mga pulitiko na paninindigan ang kanilang mga pangako sa mga tao noong panahon ng kampanya bago maghalalan (e.g., tamang sahod, Endo, repormang pang- agrikultura, magna carta ng OFWs, karapatan ng mga katutubo, atbp.).

 

(Mula sa Lathala ng Obispado Maximo; isinalin sa wikang Pilipino ni Padi Vicky Esguerra.)

 


 

Pin It

●●●●●