fbpx

Ang Christmas Institute para sa Diyosesis ng MaQueBaCa

Ang isinagawang Christmas Intitute ng Diyosesis ng Kalakhang Maynila, Dinala sa Bicol (Diyosesis ng MaQueBaCa).

Noong nakaraang Simbang Gabi, nagsagawa ng isang makulay at puno ng pagmamahal na Christmas Institue ang buong Diyosesis ng Kalakhang Maynila para sa mga pook na nasalanta ng mga kalamidad sa Kalugaran ng Bicol (Camarines Sur). Ang kaganapang ito ay isang bahagi ng kanilang misyon ng pagbibigay tulong at pagkakawanggawa, na naglalayong maghatid ng kagalakan at pag-asa sa mga pamilyang patuloy na bumangon mula sa mga pagsubok.

Ang mga boluntaryo mula sa iba't ibang parokya at misyon sa Diocese of Greater Manila Area ay nagtipon-tipon upang mag-ambag ng mga pamaskong handog tulad ng mga Bigas, Delata, Noodles, Mantika, Mga Pampalasa (Toyo,suka, at patis), Mga asukal, kape, gatas, Monggo, Mantika at maraming pang-iba. Kasama ng mga naghandog, ang mga Pari at Obispo ng Diyosesis ay nagpunta mismo sa Bicol upang personal na maghatid ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Ang Bicol ay kilala sa pagiging madalas na tinatamaan ng mga kalamidad, tulad ng bagyo at pagputok ng bulkan. Sa kabila ng mga hamon, patuloy ang komunidad sa kanilang pagbangon at paglago. Sa pamamagitan ng Christmas Institute na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga Bicolano na makaranas ng malasakit mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na hindi lamang nagbibigay ng materyal na tulong kundi nagdadala rin ng espiritu ng pagkakaisa at pagmamahal.

Sabi nga ng ating Obispo Diyosesano Buddy Ballesteros, “Ang Christmas Institute na ito ay hindi lamang isang simpleng pamamahagi ng mga makakain. Ito ay isang pagkakataon upang maipadama ang malasakit at pagmamahal ng Diyos sa bawat isa. Ang mga handog na ito ay sumasalamin sa ating pananampalataya at sa misyon nating maglingkod sa kapwa.”

Ang mga Parokya sa Bicol ay labis ang pasasalamat sa mga tulong na natanggap mula sa diocese. Ayon kay Obispo Arnold Damayan, “Malaking bagay po ito para sa amin. Sa kabila ng mga pagsubok na naranasan namin, nadarama namin ang suporta at pagmamahal ng mga tao mula sa ibang lugar. Isang biyaya ang makarating ang ganitong mga tulong sa amin, at inihatid pa ng personal dito sa amin”.

Pinuri rin ng mga lider ng simbahan ang mga boluntaryo na nagbigay ng kanilang oras at lakas para maisakatuparan ang gawaing ito. Kasama ng ating mahal na Obispo Diyosesano Vicente Salvador Ballesteros, sina Fr. Severino Ismael II, Fr. Daniel Nillo, Dcn. John Ernest Tibay at Dcn. Roy Guemo Cuayzon, mula sa ating Diyosesis. Sa huli, ang Diocese of Greater Manila Area ay nagbigay ng pagkakaisa at paghihilom sa lahat ng mga natulungan, na nagsasaad na ang bawat handog ay hindi lamang materyal kundi isang simbolo ng patuloy na pag-asa at pagmamahal ng Diyos.

 


 

Pin It

●●●●●