fbpx

April 18, 2021

SUMAINYO ANG KAPAYAPAAN

Pagninilay sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, Abril 18, 2021
Lukas 24: 36b-48


Ni: Reb. Padre Severino Ismael II

Ang Banal na Ebanghelyo sa Linggong ito ay ang pagpapakitang muli ng ating Panginoong Hesukristo sa Kanyang mga alagad pagkatapos nang Kanyang pagkamatay sa krus atpagkabuhay na muli. Ayon sa ating Banal na Ebanghelyo ay natakot ang mga alagad sa biglangpagpapakita nang ating Panginoon dahil wari nila’y isang multo ang kanilang namasdan. Kaya’tbinati sila ng ating Panginoon, “ Sumainyo ang kapayaan.” Sa sandaling kaguluhan ng kaisipanng mga alagad sa Kanyang pagbati, ang ating Panginoon ang nagsilbing taga-paghinahon sakanilang naramdamang takot.

Ang mga alagad ay nakaramdam nang takot dahil noong ang Panginoon Hesus ay nasa binggitng kamatayan, iba’t-ibang maparaan ng pagtataksil ang kanilang ginawa. Nabalot ang kanilangkaisapan nang matinding takot at nagbunga ito nang kakulangan sa pananampalataya. Lalo pasilang nasindak at nabigla nang makita nila ang Panginoon sa kanilang harapan. Totoo ngapalang Siya’y nabuhay na muli! Sila ay tigib nang dalawang isip sa kapangyarihan ng Diyos nanaglalarawan lamang ng kakulangan nang tunay na pananampalataya. Bagamat ganito angginawa ng mga alagad kay Hesus, sinuklian pa Niya ito ng kabutihan at ipinakita pa rin angKanyang wagas na pag-ibig sa pamamagitan nang pagpapahayag ng kapayapaan sa kanila.

Tayong mga mananampalataya ay nagugulumihanan sa buhay at nawawalan nang kapayaandahil sa ating mga takot. Ang takot na ito ay nagmumula minsan sa kakulangan ng atingpananampalataya sa Diyos. May pagkakataong ang ating problema ay nagdudulot ng kawalan ngtiwala sa Diyos. Maibabalik natin ang kapayapaan sa ating mga sarili sa pamamagitan ng atingmalalim na pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos na ating tagapagligtas sa lahat nanganumang kinahaharap natin sa buhay. Kinakailangan din nating manindigan upang hindi tayomalumbay, matakot at mawalan ng pag-asa sa ating mga puso. Ang Panginoon ay patuloy nanagbabahagi ng Kanyang kapayaan sa bawat isa, kaya’t huwag tayong mangamba sa anumangsuliranin dito sa mundo; bagkus dapat tayong magalak at buong tapang na harapin ang buhaykaagibat ng ating Panginoon nang may tunay na PANANAMPALATAYA.

 


 

Pin It

●●●●●