fbpx

May 9, 2021

MAGMAHALAN KAYO

Reflection for the 6th Sunday of Easter,
May 2, 2021 | John 15:9-17


Ni Reb. Padre Severino Ismael III
Cathedral of the Crucified Lord, Sampaguita St., Brgy. Apolonio Samson, Quezon City

Sa ating banal na ebangheliyo para sa linggong ito, ang isang dakilang utos para sa ating lahat ay napapaloob sa isang malaking gawain, at ito ang pag ibig. Winika ng ating Panginoon na kinakailangan nating ibigin ang Diyos, ang ating kapwa at sarili. Itoy utos sa bawat isa na dapat nating gampanan at sa dalawang utos na ito ay napapaloob ang buo kautusan at mga propeta.

Ang ating Panginoong Hesukristo ang siyang nagbigay halimbawa sa atin kung papaano ang umibig, walang sinuman sa atin makakahigit sa ginawang pagmamahal ng Diyos sa atin. Mismo ang kanyang sariling buhay ay inaalay bilang patotoo sa kanyang pag ibig. Inako nya ang ating mga makasalanan upang panumbalikin ang ating karapatan sa buhay na walang hanggan.

Inaanyayahan tayo ng Panginoon na tularan ang pag ibig na kanyang ginawa at ating ialay ito sa Diyos, kapwa at sarili. Marahil sa sitwasyon natin ngayon, ay masasabi natin na mahal natin ang Diyos, ang ating kapwa at maging mga sarili, ngunit kinakailangan nating tukuyin kung ang pag ibig ba na ginawad natin ay totoong pag ibig o isang kaisipan lamang sa atin, kung sa ating palagay ay kaya natin iaalay ang ating buong buhay sa Diyos at kapwa, dito natin mapapatunayan ang tunay na pag ibig, sapagkat walang mas hihigit pa sa pag ibig ng isang taong handang magalay ng kanyang buhay para sa kanyang kaibigan.

 


 

Pin It

●●●●●