PENTECOST SUNDAY
Reflection for the Pentecost Sunday,
May 23, 2021 | John 15: 26-27; 16: 4b-15
By: The Rev. Fr. Nixon T. Jose
Parish of the Holy Sepulchre, 1414 Quirino Ave. cor. Zamora Street, Paco, Manila
Ang Panimula
Isang mapagpalang pagsamba po sa ating lahat! Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang Pentecost Sunday. Nagmula po ang salitang Pentecost sa Greek word na “Pentekoste” na ang ibig sabihin ay ika-50 o fiftieth. Ipinagdiriwang po natin dito ang Pagbaba ng Banal na Espiritu sa Simbahan (na kinakatawan ng mga alagad) pagkatapos ng limampung araw ng kanyang pagkabuhay na muli.
Ang pagbaba na ito ng banal na Espiritu ay naganap bago bumalik ang Panginoong Hesukristo sa nagsugo sa Kanya (na tinatawag ding Ascension). At ipinagkaloob ito sa mga alagad upang patuloy silang magabayan sa katotohanan na kanilang natutunan. Higit sa lahat, ito ay isang dakilang patotoo sa karapatan at kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanila upang ipagpatuloy nila ang sinimulang misyon ng Panginoong Hesukristo sa sandaigdigan. Ang karapatan na ito ay kanila ring isinalin sa bawat saling-lahi hanggang dumating sa atin ngayon. Taglay din ito ng ating Simbahan (sa pamamagitan ng tinatawag na Apostolic Succession) at patuloy rin natin itong sinusunod upang sa gitna man ng maraming grupo o simbahan na umaangkin na sila lang ang tama o sila lamang ang maliligtas ay matiyak natin na ang ating pananampalataya at katuruan ay galing mismo sa Panginoong Hesus.
Ang Pentecost ay tanda din ng pagsilang ng Kristyanong Simbahan bilang kaganapan ng Simbahan ng Israel. Kaya’t kinikilala rin ang Linggo ng Pentekostes bilang Birthday ng Kristyanong Simbahan bilang siyang nakikitang bunga ng ginawang pangangaral, pagpapakasakit at pagliligtas ng Panginoong Hesukristo sa sangkatauhan – na pinagkalooban ng Panginoong Hesus ng karapatan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang kanyang buhay at misyon.
Ito rin ang nakikitang patotoo nang patuloy na pagpapala niya hanggang sa ngayon. Tayong lahat, ay kasapi po dito. Bahagi po tayo sa pandaigdigang Simbahan na ito.
So today, we celebrate who we are, as people of God, that we are the historical visibility of God’s redemptive act when Jesus died on the cross and God’s living sign of continuing grace to the world.
As a part of the universal Church, we participate in the mission of Christ in the world and share in his life of loving and humble service to His people.
So, iyan po ang pinaka-general message of the Pentecost. It is about the bestowal of the holy Spirit to the people of God, the Church, empowering them and giving them the new life to continue the life and mission of Christ to the world.
Ang Sermon
Sa ganyang diwa, halina at sama sama nating pagnilay nilayan ang aral po sa ating ng Diyos: ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen!
Ang gospel po natin ngayong Linggo ng Pentekostes ay tungkol sa ginawang pamamaalam ng Panginoong Hesukristo sa kanyang mga alagad at ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa kanila. Paulit ulit po niyang sinasabi ito sa kanyang mga alagad na siya ay lalayo sa kanila. Ang paglayo niyang ito ay tinatawag na kanyang Ascension o pagbabalik sa Ama na kanyang pinagmulan. Ibig sabihin, galing siya sa Ama, kaya’t babalik din siyang muli sa Ama.
At sa kanyang paglisan ay mayroong hahalili sa kanya. Upang ang mga alagad ay patuloy na mapatnubayan at magabayan sa pagpapatutuo tungkol sa sinimulan ng Panginoong Hesus bilang daan, katotohanan at buhay. Na si Hesus ang natatanging kaligtasan na nagmumula sa Diyos. At ang sinumang hindi sumampalataya sa Kanya ay nagkakamali. In fact it would be a judgement on their part. Ibig sabihin, sila na mismo ang humuhusga sa kanilang kahatulan. Our gospel is testifying to us the truth, i.e. to believe in Jesus for our salvation; and in believing in Him, we will have life everlasting. That is the basic single pointed message of our gospel. At ang hindi sumampalataya at sumunod sa katotohanang iyan ay hindi na ang Diyos ang hahatol sa kanila, kundi sila na mismo ang humahatol sa kanilang sarili!.
So the holy Spirit was given to the Apostles, to proclaim with authority the truth from God - to believe in Jesus and in believing we will be saved and have life everlasting.
Kung iisipin po natin, parang napaka-simple lang ang misyon nila.
Ganoon po ba kasimple? Tingnan po natin ang kanilang situation noong isinulat ang ating Ebanghelyo. I would like to emphasize that. Hindi po noong nangyari ang ating Ebanghelyo magkaiba po ang sitwasyon noong mangyari ang ating Gospel at noong isinulat ito.
Sa pagtalakay po ng historical context, tiningnan ko po ang mga iba’t –ibang aklat ng mga historical at biblical account ng mga authors para mai-situate po natin ang kanilang sitwasyon noong isinulat ito.
Ang sumulat po ng ating Gospel ay ang Johannine community. Hindi po ito isinulat ng isang tao lamang. Mayroon pong pagka-ascetical ang community na ito at napakataas ang kanyang spiritualidad compared with the other Gospel. Noon pong isinulat ang ating Gospel, ang pananampalatayang Kristyano ay isang lihim na kilusan. Ang Roman Emperor sa panahon na yaon ay si Domitian. According to the 4th century writings of Eusebius, Jews and Christians were heavily taxed and persecuted toward the end of his reign. Sa kanilang kapanahunan, wala nang ibinabalita na kinasuhan o pinatay ng mga kristyano. Hindi ito kasing tindi noong panahon nina Emperor Caligula, Claudius, Nero atbp, na dumanas ang mga kristyano ng matinding persecution at maraming pinatay sa napakalupit na paraan.
Ikalawa, sa pangangaral ng mga Apostoles ay kinakailangan nilang harapin ang matinding pagpapaliwanag sa iba’t ibang mga uri ng pananampalataya. Una, ang relihiyon ng mga Hudyo ay nagtuturo ng iisang Diyos at, ang iisang Diyos na ito ay seloso at ayaw na mayroon pang iba. Papano nila sasabihin na si Jesus na namatay ay muling nabuhay ay Diyos din? Sa mga Hudyo, ang Diyos ay iisa lang? Sa mga Griego, marami silang mga Diyos at hindi sila nagseselos sa isa’t isa. Papano nila iuugnay na si Jesus ay Diyos din, ngunit hindi katulad ng kanilang paniniwala sa kanilang mga diyos. Papano din nila ipapaliwanag sa iba pang uri ng pananampalataya, katulad ng relihiyon na ipinapatupad ng Roman Empire, na sumasakop sa kanila, na kung saan ang Emperor ay kinikilala rin na isang Mesias? So, sa ganyang sitwasyon, ay mapapansin na agad natin na mayroon pong mga banggaan ng paniniwala.
Ikatlo, sa kanilang kapanahunan, marami ring mga messianic figures ang naroroon noon at, mayroon ding silang mga kilusan na lumalaban sa pananakop ng Roman Empire at ang kaakibat na matinding pagbabayad ng buwis. Sila rin ay nagtuturo na sila’y Mesias na magpapalayas sa pananakop ng Roman Empire. So, mayroon ding banggaan, kung sino nga ba ang tunay na Mesias? Papano nila mapapatunayan na sila ang tunay?
Ika-apat. Noong isinulat ang ating Ebanghelyo around 90-96 AD ay marami nang sumasampalataya sa lihim na kilusang Kristyano. Pinatibay at pinatatag ito ng mga martir na namatay sapagkat pinanindigan nila ang kanilang pananampalataya maging man sa harap ng matinding hirap ng persecution and execution. Pinili nilang mamatay sapagkat sumasampalataya sila sa katotohanan ng itinuro ng Panginoon Hesus - kaysa talikuran at itakwil ang kanilang natutunan. For more than 50 years of resilience and conviction, the underground movement has gained strength and momentum.
Their lives became the testimony of their faith to the truth that was revealed to them by God in Jesus.
So that was their broad situation noon. At sa gitna ng ganyang mapaghamon na kalagayan, the bestowal of the holy Spirit is a continuing assurance to them - to persevere in proclaiming the faith in Jesus.
Conclusion
So, what lesson can we learn?
As we celebrate the Feast of the Pentecost, may that same Spirit that descended to the Church, give us as well that newness of life, that power and the boldness to proclaim God’s truth in Jesus as we seek to be faithful in giving life to the message and mission of Jesus in our world today.
May the Holy Spirit continually help us to renew ourselves so that we can always live a life that testifies our Faith in human relations, in our society and to the world. May the same Holy Spirit continually guide and comfort us to the truth of our faith in Jesus, the divine Son of God, in attaining that fullness of life and life everlasting.
Pagpalain tayong lahat ng Diyos: ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen!