ANG TAHIMIK NA LUGAR PARA SA IYO
Reflection for the Eighth Sunday After Pentecost
Mark 6:30-34 | July 18, 2021
Ni Msgr. Emmanuel R. Ballesteros
Parokya ng Muling Pagkabuhay, Balingasa, Quezon City
Kung mapakinggan niyo ang ebanghelyo natin ngayon, ito ay magsasaad na dumating ang mga alagad upang mag-ulat tungkol sa kanilang ginawang misyon na ipinag utos ni Hesus sa kanila na gawin. Nagpunta sila sa mga bayan ng dala-dalawa, nangaral ng mabuting balita, nagpalayas ng mga demonyo at magpagaling sa mga may sakit. Bagama’t ang mga alagad ay masayang magbabahagi ng kanilang karanasan, nakita ni Hesus ang kanilang kapaguran na mangangailangan ng pahinga. At dahil sa kanilang sitwasyon noon, na maraming tao ring nakapaligid sa kanila, na hindi sila makakapag pahinga ng lubusan naisip ni Hesus na sila ay umalis sa lugar na iyon upang pumunta sa isang lugar na makapag pahinga sila ng lubusan.
Alam ni Hesus ang kahalagahan ng pagkakataon na mabigyan natin ang mga sarili na makapunta sa isang lugar na tahimik, upang ikaw ay makapag pahinga. Kung matatandaan natin ang Diyos pagkatapos niya likhain ang buong mundo pati ang mga nilalaman nito ng anim na araw, nagpahina siya ng ika-pitong araw. Si Hesus mismo madalas sa maraming pagkakataon ay humihiwalay sa maraming tao upang makapag pahinga, makapagdasal at upang makaipon muli ng lakas para maggampanan at maharap niyang muli ang kanyang misyon.
Ngayon sa panahon natin na may pandemya na kung saan ang hirap mabuhay sa dami ng pagsubok na naranasan, kailangan na tayo ay nagbibigay ng panahon sa ating sarili upang pumunta sa isang tahimik na lugar para sa sarili mo upang mag relax, mag-unload, at mag recharge. Ang sagradong lugar na ito ay tahimik, maayos at may mga bagay na pwede mong gamitin para ikaw ay makapag pahinga. Kaya yung iba ay nagbabakasyon upang puntahan ang kanilang sagradong lugar. Dahil ngayon at may pandemya hindi natin magagawa ito kagaya ng dati dahil ipinagbabawal. Kaya ano ang mga pwede nating puntahan na pwede nating gawing sagradong lugar para sa atin.
- Simbahan / Adoration Chapel / Prayer Room
- Library
- Any quiet place and peaceful place
- Bedroom
- Comfort Rooms
- Walk in Closet
Anu-ano ang pwedeng gawin sa Sagradong Lugar
- Magdasal
- Magnilay
- Magbasa
- Makinig ng peaceful music
- Magpahinga / Mag Relax
- Matulog
- Mag-unload
Importante na magkaroon tayo ng panahon sa ating mga sarili na makapag pahinga, makapag-unload, at makapagrecharge para makaipon tayo ng lakas upang harapin muli ang hamon ng buhay.
Benefits of Relaxing
- Ang daloy ng dugo natin ay gaganda at dahil dito magkakaroon tayo ng lakas at enerhiya
- Binibigyan tayo ng payapang pag iisip at maaliwalas na pananaw
- Makakatulong ito sa isang positibong pag-iisip, malawak na concentration sa paggawa ng maayos na desisyon
- Pinagpabagal nito ang tibok ng ating puso at pinagbababa nito ang ating blood pressure
- Nababawasan ang tension na nakakasira na katinuan ng pag-iisip
Kung makakaranas tayo ng depression, anxieties, stress, apprehension, pagkabalisa, kalituhan, at naaapektuhan na ang katinuan ng ating pag-iisip, kailangan na natin pumunta sa isang sagradong lugar hinahiya tayo ni Hesus para magpahinga, magdasal, magnilay, mag relax, magunload, magrecharge upang makaipon ng lakas para maharap natin ng may panibagong sigla ang hamon ng buhay.
Huwag tayong sumuko kung may bagyo man ang buhay baka kailangan natin pumunta sa sagradong lugar at magpahinga. Ang sabi ni Hesus “halika kayo kayong nabibigatan at nahihirapan at kayo ay aking pagpapahingahin.
And “He said ‘Cast your burdens upon me those who are heavily laden. Come to me all of you who are tired and carrying heavy loads. For the yoke I will give you is easy and my burden is light, come to me and I will give you rest.’”