fbpx

November 22, 2020

Christ the King Homily
(Matthew 25:31-46)

Winika ng ating Panginoon
“Halina mga pinagpala ng aking Ama, tanggapin ninyo ang Kaharian inihanda sa inyo."

+ Sa Pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen +

There was a story that I’ve heard. A man met a vehicular accident; and he lost his left arm and left leg in the process. While recovering at the hospital, he was visited by his parish priest. Asking him as to how he feels? He replied, “Father, I’m all right now!” The priest quite shock with what he replied, said “Ha? Alright ka lang? Eh grabe ang aksidente mo. Matindi ang pinsalang sinapit mo? Naputol ang kaliwa kamay at kaliwang paa mo, alright ka pa din?” And the man replied, “Kaya nga po all right Father, kasi wala na kong left, puro right na lang!”

Sa araw na ito ay nagdiriwang ang buong simbahan at ang lahat ng mga mananampalatayang Kristiyano ng Kapistahan ng Kristong Hari. Sa pamamagitan ng celebration na ito, ay natatapos na sa atin, ang isa na namang liturgical or Church calendar. It is unfortunately, that we cannot celebrate this wonderful feastday as we used to, because of this Pandemic crisis that we have.

Our gospel for today tells us of what the final judgment would like. Dito ay inilalarawan ang Panginoon bilang isang hari na huhusga sa atin. Sa araw ring iyon ay pipiliin Nya, kung sino ang mamarapatin Nyang makasama sa Kanyang kaharian at kung sino ang hindi. Nakapang-hihilakbot isipin ang mga sandaling iyon, dahil ito ang siyang magbibigay sa atin ng katibayan kung tayo ba ang magiging marapat sa gantimpala ng buhay na walang hanggan o kung hindi kaya ay sa pasa-dusang walang katapusan.

Sinasabi doon sa ating ebanghelyo, kung papaano tayo paghihiwa-hiwalayin ng ating Kristong Hari, sang-ayon sa ating mga ginawa at hindi ginawa. Binabanggit dun, na ang mga mabubuti ay ilalagay sa kanan at ang mga masasama ay sa kaliwa. At ang magiging basehan Nya ay kung tayo ba ay namuhay ng may pag-ibig o wala. Yes, there will be one final exam for us all. Isang pagsusulit na obligado nating harapin lahat. And the great thing about it, ay alam na natin ngayon pa lang, ang mga itatanong dito. Dahil mayroong leakage; at mismo ang Panginoon ang siyang nagbigay nito.

Take note, hindi Nya titignan sa araw na iyon kung pogi ka o hindi; kung mayaman ka man o mahirap; hindi rin susubukin sa araw iyon kung matalino ka o hindi; o susuriin ka kung ikaw ba ang sikat at may sinasabi o wala. Neither is He gonna be asking us to what’s your religion is? Of whether, you’re a Catholic or a Protestant? Important as they may be to us; on that dreadful day, it’s as if it doesn’t matter. The question that He would really be asking us, is how much have we done or not done for people in need? Kung ano an gating ginawa at hindi sa mga taong nangangailangan. When I was hungry, did you give me food? When I was thirsty, did you give me drink? When I was a stranger, did you took me in? Naked and clothe me? Sick and in prison, visited me? Kung baga, sa punto ng ating pagmamahal sa kanya ay minahal rin ba natin ang ating mga kapwa, lalo’t yung higit na nangangailangan? Have we done any goodness in our lives? Meron ka bang kabutihang nagawa sa buhay mo? Meron ka bang tao na natulungan?

Madalas sinasabi ng iba, basta mabait ka, wala kang tinatapakan o inaagrabiyado, sigurado ka sa langit. I can still remember well ng kausapin ako ng aking ama noon... sabi nya, “Fr. Buddy, sa inyong limang magkakapatid. Ikaw ang pinakamabait!” Feeling proud of what I’ve heard and with a smile on my face, tinanong ko sya, “Pa, paano mo naman nasabi yan?” At ang sagot ay, “Never kang nag-uwi ng basag-ulo sa bahay; kailanman ay hindi ka rin nagbigay ng kahihiyan sa pamilya... Simula ng mag-aral ka, hindi ka nakatikim ng bagsak na grado. Hindi mo pinasakit ang ulo at sinaktan ang kalooban namin ng Mama mo…Kaya, ikaw talaga ang pinakamabait!” (Okay na sana ang lahat, nang may idugtong sya...) “Pero ikaw rin ang pinaka-walang pakinabang!” (Aray ko! Wondering what he means, I also asked him again) “Pa, what made you say that?” Kasi lagi kang wala rito... Ano ang pakinabang syo kapag wala ka? Eh di wala! At kapag naririto ka naman, lagi ka lang tulog. Ano ang pakinabang syo kapag tulog ka? Eh di wala rin!” Those striking words of my Father made me really think and reconsider my values. Mabait ka nga, wala ka naman pakinabang. Mabait ka nga, pero di ka naman nakakatulong! Mabait ka nga, pero hindi ka naman nakadaragdag sa buhay ng iba! So, you see, being simply good is never enough... Coz, we have got to be better than good. Much more so, we have got to be at our best! Kaya dahil doon, ay lalo kong pinagbuti at ginawang kapaki-pakinabang pa ang aking sarili.

Nakakalungkot isipin na may mga taong, ang tanging agenda lang ay ang sarili nilang buhay. Wala silang pakialam sa iba. Sa mga taong ganito, ang prinsipyo ay “mind your own business…scratch your own galis!” To them, it’s always just I, Me and myself; and to hell with others! They don’t give a damn kung may nagugutom o naghihirap man…Basta ang importante ay may puno ang kanilang bulsa at busog ang tiyan nila. Kagaya ng marami nating mga politiko dito sa ating bansa. Kung hindi ba man tunay na corrupt at self-centered sila…Maging ang mga trahedyang nangyayari, sa paningin nila’y pagkakataon pa rin para sa kanila upang kumita. When are these people gonna realize that there must be something or someone, besides themselves to live for? When will they ever stop playing God or being king of their own life? And, serve Christ the true King?

Alam nyo, looking at these people, yung iba sa atin kung minsan ay naiinggit at nagtatanong. Bakit kung sino ang masama, sila pa ang parang namamayagpag? Samantalang, yung mga nagsisikap magpakatino at magpakabuti, sila pa ang naghihirap. Pansinin dito sa atin, yung mga kurakot, kahit saglit pa lang sa posisyon, sila ang masarap ang buhay. Hayahay! Yung mga matitino, hanggang sa pagreretiro, mahirap ang kalagayan. Dito ang mga whistle blower, sila pa ang nakukulong…eh papaano, maging ang ating mga husgado ay nababayaran. Pero, huwag tayong mag-alala at darating ang paghuhusga sa atin ng Diyos! Our gospel today gives us all a notice, na lahat tayo ay aabutin ng mga trabaho natin. God knows everything! Hindi Sya natutulog at nakikita Nya ang lahat! At igagawad Nya ang katarungan sa Kanyang pagpapasiya sa kung ano ang nararapat sa atin…Gantimpala ba o Parusa? Langit na Bayan o Impiyerno!

Sa ayon sa kasabihan, Ang utos ng Hari ay di mababali. Tanong, ang kalooban ba ng Panginoon ay sinusunod mo sa iyong buhay? Kaninong kagustuhan ba ang madalas nangyayari? Sa Kanya o sa iyo? Meron isang napakagandang tula na nasusulat sa likod ng Mahal na Pasyon (p.239), ang titulo ay, Bakit mo ako Tinatawag na…? Marapatin ninyong mabasa ko...

  • Tinatawag mo akong GURO… ngunit hindi mo pinakikinggan ang aking mga aral.
  • Tinatawag mo akong LIWANAG… ngunit dilim din ang gusto mong puntahan.
  • Tinatawag mo akong LANDAS… ngunit hindi mo sinusundan ang aking mga dinaraanan.
  • Tinatawag mo akong BUHAY… ngunit ikaw ay patay sa grasya.
  • Tinatawag mo akong KATOTOHANAN… ngunit ang balangkas ng buhay mo’y panlilinlang.
  • Tinatawag mo akong PATNUBAY… ngunit ayaw kang paakay.
  • Tinatawag mo akong KAIBIGAN… ngunit ang puso mo’y inilalayo mo sa akin.
  • Tinatawag mo akong MABUTI… ngunit ikaw ay nagbababad sa kasamaan.
  • Tinatawag mo akong WALANG HANGGAN… ngunit inaaksaya mo ang panahon sa walang kasaysayan, na siyang kasawian mong walang hangan.
  • Tinatawag mo akong MARANGAL… ngunit ang aral ko’y dinudungisan mong walang pakundangan.
  • Tinatawag mo akong MALAKAS… ngunit hindi mo iginalang ang aking kapangyarihan.
  • Tinatawag mo akong TAPAT NA HUKOM… totoo, at katuwiran ang sinabi mo ngunit hanggang may panahon ay magbago ka ng buhay, sapagkat kung hindi, ay sa aba mo…!

Kapag dumating na ang paghatol ko sa iyo, huwag mo AKONG SISISIHIN…IKAW ANG MAY SALA…

It is pointless to profess that Christ is King; if we do not allow him to somehow give us directions. It is meaningless to proclaim him as our Lord, if we do not follow his will and biddings. Baka naman puro ako at ako at ako lang ang importante at ang dapat masunod. Should this be your case, come Judgement time, ay kawawa ka at tunay ngang sa abang-aba mo. The Kingdom of God is not something territorial. It is the presence of God in our life…the presence of the values of the kingdom like peace, justice and love in our midst. Meron ka na bang ginawa sa buhay mo, upang maipakita at maiparamdam sa kapwa, na naghahari ang Diyos sa iyo? Nakabawas ka ba sa galit ng mundo? Meron sakit kang naibsan, taong naguguluhan na napagpaliwanagan? Anong katibayan mo na naghahari nga si Kristo sa iyo?

Allow me to invite you my brothers and sisters to look at the Cross. There we will all see our King. Our King who loves us…unworthy as we are, He gave up His life for us. Para sa ating mga katubusan at kaligtasan ay ibinuwis Nya ang Kanyang buhay para sa atin. Ang tanong, hindi ba marapat na gawin din natin ang gayon para sa kanya? If He has shared His life for us; so why can’t we share our life to Him by serving His people? So papaano maipapakita talaga na Sya ay ang Kristong Hari?

Maaaring ang sabihin nyo ay sa pamamagitan na aming panalangin. Yes! Importante ang panalangin, ang magbasa ng Bibliya, magrosaryo, magsimba, at magkomunyon. But to think that we can only pray for the Kingdom is a big mistake. Totoong ang Prayer ang backbone of our efforts or ang pinanggagalingan ng ating mga lakas at kakayanan; pero huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng active service. Ang tumulong sa iba at gawing mas mabuti ang buhay nila. Ang paga-angin ang mga pasanin at paghihirap nila sa pamamagitan ng ating pagdamay, pakikiisa at pagkalinga.

Sa panahong ito, hindi na kailangan pang maghanap; dahil nagkalat silang mga nangangailangan ng ating paglingap. Ang daming namamalimos sa kalye, mga nawalan ng trabaho dahil sa Pandemyang ito, humihingi ng tulong sa mga evacuation center at mga sumisigaw ng saklolo sa mga nasalantang lugar na hinagupit ng mga nakaraang pagbagyo. Sa pangalan ng ating Kristong Hari ay tumulong tayo… Sa pangalan ng ating Kristong Hari ay magbigay tayo… Sa pangalan ng ating Kristong Hari ay maglingkod tayo. Sapagkat sa wika nga ng Panginoon, anuman ang gawin nyo sa pinaka-aba kong kapatid ay ginawa ninyo sa akin.

At sa ganitong paraan ay wiwikain sa atin ng Panginoon “Halina mga pinagpala ng aking Ama, tanggapin ninyo ang Kaharian inihanda sa inyo."

+ Sa Pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen +

 

 


 

Pin It

●●●●●